DAGUPAN CITY–Hustiya ang sigaw ng kaanak ng isang Grade 11 sutudent na sinasabing biktima ng gang bang ng apat na kalalakihan sa bayan ng Alcala dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa ulat, nagtungo sa bahay ng kaibigan nito ang biktima pero pagdating doon ay nadatnan niya ang ilang lalaking kakikila na nag-iinuman.

Pinilit umano itong painumin ng mga suspek at nang malasing pinagpahinga ito sa isang kuwarto.

--Ads--

Kinalaunan ay sunod-sunod na hinalay ng mga suspek ang biktima.

Matapos ang panghahalay ay isinakay umano ito ng mga suspek sa isang tricycle at ibinaba sa bayan ng Bayambang kung saan na ito nakahingi ng tulong at nadala sa pagamutan.

Kinumpirma naman ng mga otoridad na maaari ng sampahan ang isa sa apat na humalay sa biktima dahil hindi na ito menor de edad.

Nakatakdang sumailalim sa counseling ang biktima habang hinihintay nalamang ang court order upang mailipat ang tatlong menor de edad na suspek sa Regional Rehabilitation Center for the Youth sa lalawigan ng La Union.