DAGUPAN CITY – Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo kung bakit nagtangkang kitilin ng isang estudyante ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali ng kanilang paaralan sa Lungsod ng Dagupan.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Dagupan, naiparating sa Dagupan City-Philippine National Police ang ulat bandang alas-11:15 ng tanghali ngayong araw, Nobyembre 10, subalit bandang alas-10:45 kaninang umaga nang tumalon ang 17-anyos na Grade 12 mula sa 5th floor ng isang unibersidad sa Barangay Tapuac.

Kabilang din sa inaalam ng pulisya ay kung bakit nasa paaralan ang biktima gayong araw ng Linggo at walang pasok.

--Ads--

Nabatid na patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang biktima, habang ang pamilya nito ay humiling ng privacy kasunod ng insidente.