DAGUPAN CITY- Pinasalamatan ni Provincial Gov. Ramon “Monmon” Guico III ang mga residente ng lalawigan ng Pangasinan dahil sa muling pagtitiwala sa kaniyang upang maupang gobernador sa ikalawang pagkakataon.

Ayon sa kanya na ipagpapatuloy pa nya kung ano ang mga nasimulan na proyekto at programa gaya na lamang sa sector ng kalusugan, agrikultura, edukasyon, imprastraktura at iba pang gampanin para sa mga mamamayan at mas Lalo pang mapaunlad ang lalawigan. Lalo na sa kanyang ikalawang termino na magseserbisyo sa lalawigan.

Tiniyak nito na uunahin ng kanyang tanggapan katuwang ang mga opsiyal mula mayor hanggang sa brgy para sa pagkakaisa na magawa ang lahat ng mga proyekto at programa.

--Ads--

Isa sa binigyang highlight nito sa loob ng kanyang administrasyon ay ang pagiging tagumpay ng programang Guiconsulta kung saan malaking bilang na rin dito sa probinsya ang nairehistro na sa programang ito na nilalayong makatulong para sa libreng pang medical at hindi mahirapan ang mamamayan sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.