Dagupan City – Kamakailan ang umingay ang balitang inilaan na mga room for athletes sa Paris Olympics 2024. Kung saan makikita sa iba’t ibang social media platforms ang mga reklamo tungkol sa hindi kagandahang kondisyon ng pamamalagi ng mga athletes sa Olympic Village.
At dito na nga tila umingay ang social world. Matapos kasing ma-upload ang larawan ng Italian gold medalist swimmer na si Thomas Ceccon na natutulog sa ibaba ng isang bench sa grounds.
Ayon sa ulat, naglatag na lamang si Thomas ng puting tuwalya sa damuhan sa ilalim ng isang puno. At doon na lamang ito natulog habang nakabaluktot.
Ngunit bago pa man, matatandaan na una nang nagreklamo si Thomas dahil sa pangit na kondisyon ng kanyang pamamalagi sa loob ng village. At sa katunayan ay tinawag pa niyang subpar ang kalidad ng mga pasilidad.
Sa kabila nito, nakasungkit pa rin siya ng gold medal sa 100-meter backstroke at bronze medal sa freestyle relay.
Ngunit s akabila nito, hindi lang din si Thomas ang athlete na nadismaya sa kondisyon sa loob ng Olympic Village.
Dahil kasama rin dito si olympic player Coco Gauff, French swimmer na si Assia Touati.