BOMBO DAGUPAN- Kawawa ang mga naiwang pamilya ng mga nasawi.

Ganito isinalarawan ni Jane Anlap Loreno, Bombo International News Correspondent sa bansang Kuwait, sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, matapos makumpirmang kabilang ang 3 mga Pilipino ang nasawi sa sumiklab na sunog sa isang residential building sa Kuwait noong umaga ng Miyerkules.

Gayunpaman, bukas ang gobyerno ng naturang bansa upang maghatid ng tulong at suporta sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi.

--Ads--

Saad din ni Loreno, nagkaroon na din umano ng pagpupulong ang mga Filipino Community na naroroon at umaasang naghahanda din upang humingi ng tulong.

Samantala, ani Loreno, isa umanong Resort and Accomodation ang nasabing gusaling nasunog. Subalit, sa kasalukuyan ay wala pa umanong nababanggit sa kanilang nababalitaan kung anong kumpanya ang namamahala doon.

Kaugnay nito, karamihan umano sa mga nasawi ay mga engineer ng gusali.