DAGUPAN CITY– Tahasang inihayag ni Jhay de Jesus, presidente ng grupong True Colors Coalition na may pagkukulang ang gobyerno sa pagtugon sa nararanasang pandemya dulot ng covid-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni De Jesus na sa panahon ng pandemya na nagsimula noong Marso ay nakita nila ang kakulangan ng programa na magbibigay ng proteksyon sa mga vulnerable sectors gaya ng mga kababaihan, PWD LGBTQ, matatanda, mga katutubo at ibang ibang sektor sa lipunan.

Sinabi nito na ang mga programa ng pamahalaan ay hindi nagsisilbi sa tunay na interes, sa tunay na kalagayan at tunay na pangangailangan ng mga tao at isa lamang patunay na ang kasalukuyang gobyerno ay hindi kumikilala sa karapatan na mabubay ng maayos, may dignidad at malaya.

--Ads--
Jhay de Jesus, Presidente ng grupong True Colors Coalition