Naitabla na ng Barangay Ginebra sa 2-2 ang best of seven PBA 50th Season Philippine Cup semifinals nila ng San Miguel Beermen 105-91.
Naging bayani sa panalo ng Ginebra si Scottie Thompson na nagtala ng 35 points, 11 rebounds at 11 assists sa laro ng ginanap sa Smart Araneta.
Habang mayroong 14 points at anim na rebounds si Japeth Aguilar at 13 points si Norbert Torres.
Pinuri ni Ginebra coach Tim Cone ang performance ni Thompson at tinawag nitong isang legendary.
Huling nakapagtala ng triple double si Ronnie Magsanoc na nagtala ng 32 points, 13 rebounds at 18 assists noong 1990 All-Filipino Conference.
Nasayang naman ang nagawang 22 points ni Cjay Perez at habang nalimitahan lamang sa siyam na puntos si June Mar Fajardo at may 20 rebounds para sa Beermen.










