DAGUPAN CITY – Iniimbestigahan na ng kapulisan ang dahilan ng pagbibigti ng isang 43 anyos na ginang sa bayan ng Laoac.

Ayon kay PSSg. Clinton Vidal, Chief Investigator ng naturang himpilan, lumalabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon sa naturang kaso napag-alamang ang biktima na kinilalang si Emilyn Claudio, ay mayroon umanong ka-chat na isang bombay bagaman may kalive-in partner ito.

Ngunit batay naman sa salaysay ng kalive-in ng biktima, hindi umano sila nag-away at wala silang problema.

--Ads--

Nakikitang motibo naman ng imbestigador na ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima ay posibleng hindi nakayanan ng konsensiya nito ang kanyang ginagawa sa kinakasama sapagkat base sa ebidensiyang nakita ng kanilang himpilan, ay natagpuan ang isang resibo na patunay na pinadalhan ng kachat nitong bombay ang biktima ng pera na nagkakahalaga ng P10,000.

Tumanggi na rin ang magulang ng biktima na isailalim ito sa autopsy.

Nabatid na ito na ang pangalawang kaso ng suicide sa bayan ng Laoac ngayong buwan.