DAGUPAN CITY–Patay ang isang 27 anyos na ginang matapos pagsasaksakin at nilaslas sa kaniyang leeg ng kinakasama sa bayan ng Alcala Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Staff Seargeant Benjie Gabuat ng Alcala PNP na naganap ang insedente sa tahanan ng mag-live in partner sa Brgy San Pedro Apartado.

Nagsumbong umano ang apat na taong gulang na anak ng maglive in na sina Rodel Mabalot at Tricia Mae Tandoc na may kausap sa cellphone ang huli kung saan narinig pa umano ito na nag ilove you sa kausap.

--Ads--

Dito kinompronta ng suspek ang kinakasama na nauwi sa mainitang pagtatalo ng dalawa.

Police Staff Seargeant Benjie Gabuat – Alcala PNP

Kinalaunan ay sinaksak ng suspek ang biktima sa kaniyang tagiliran at likod at nilaslas pa ang leeg nito.

Matapos ang insedente ay naglaslas din ang suspek na nagawang maisugod ng kanilang mga kaanak sa Bayambang District Hospital na sa ngayon ay nagpapagaling pa .

Police Staff Seargeant Benjie Gabuat – Alcala PNP

Love triangle ang nakikitang motibo ng kapulisan sa naturang insedente.