Lubos ang pasasalamat ng isang ginang na nabigyan ng wheelchair ng Bombo Radyo at Star FM Dagupan sa pamamagitan ng Bombo Medico.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Aling Wilma, 42-anyos na residente ng syudad ng Alaminos, sinabi nito na mula nang isilang ito ay hindi na siya nakapaglakad pa.

Hindi rin aniya sila makabili ng wheelchair sapagkat mas pinaglalaanan nila ng pera ang kanilang isang taong gulang na anak na walang butas sa pwet.

--Ads--

Ayon sa ginang, walang trabaho ang kanyang asawa dahil inaalagan sila nito kaya naman tuwang-tuwa ito sa natanggap na wheelchair mula sa Bombo Radyo.

voice of Aling Wilma

Samantala, naging positibo naman ang tugon ng iba pang dumalo sa naturang medical, optical at dental mission ng Bombo Radyo Philippines dito sa syudad ng Dagupan. with reports from Bombo Cheryl Cabrera