Lubos ang pasasalamat ngayon sa Bombo Radyo Dagupan at Provincial Employment Service Office o PESO Pangasinan ng isang ginang matapos itong mapauwi sa tulong ng Bombo Radyo Dagupan at ilan pang ahensya ng Pamahalaan.

Makalipas ng ilaw na pamamalagi sa Malaysia Airport ni Josie de Leon na tubong Lingayen, Pangasinan at di umanoy biktima ng Human Trafficking at Illegal Recruiter sa ibang bansa ay napauwi ito sa bansa.

Sa salaysay ng ginang, sa bansang Dubai sana ito papunta subalit imbes na direct flight ay nagpaikot-ikot ito at nagpalipat-lipat ng eroplano haanggang sa ito ay ma-hold sa Malaysia at doon namalagi ng ilang araw bago mapauwi sa tulong na rin ng Embahada ng Pilipinas.

--Ads--

Ayon sa PESO Pangasinan, na ang ganitong uri ng pangyayari ay hidni normal at sa katunayan, lumang tugtugin na ito para sakanialng ahensya dahil hindi ito ang unang beses na sila ay nakapagtala ng ganitong uri ng bagay.

Samantala, nang malaman naman ng pamilya ni Ginang de Leon ang sinapit ng kanilang kamag-anak ay agad na lumapit si Ginoong Nilo Palma, ang tiyuhin ng biktima sa Bombo Radyo Dagupan dahil ito mismo ay nagkaroon na ng ideya na naloko ang kanyang pamangkin.

Labis ang kanilang pasasalamat sa Bombo Radyo at sa PESO Pangasinan na agad na tinrabaho ang nasabing kaso hanggang sa ito ay makasakay ng eroplano pauwi ng bansang Pilipinas.

Kung hindi aniya umaksyon ang ating Pamahalaan ay posibleng naharap na ang biktima sa mas malaking problema sa ibang bansa.