Dagupan City – Hindi ipinagbabawal ang ginagawang mga rally ng mga taga-suporta ng dating pangulong si Rodrigo Roa Duterte hangga’t napapanatili ang kaayusan ng mga ito.

Ito ang ipinaliwanag ni Atty. Joseph Emmanuel Cera – Constitutional Lawyer sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dgaupan.

Aniya, sa paraan kasing ito naipapakita ng mga taga-suporta ng dating pangulo ang kanilang pagmamahal at tanda ng kanilang kagustuhang mapanatili ang kaligtasan sa kaniyang kinaroroonan lalo na ngayon sa kaniyang kinakaharap.

--Ads--

Hinggil naman sa nangyaring pagkaka-aresto sa kaniya sa Maynila noong pagkababa nito sa eroplano matapos ang kaniyang rally sa Hongkong, sinabi ni Cera na posibleng hindi rin ito inasahan ng kaniyang kampo.

Malayo naman ito sa mga naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan, sinabi nito na hindi tatalima at gagamit ng mga tauhan ng awtoridad mula sa Pilipinas kung ihahain ng International Criminal Court (ICC) ang kaso laban sa dating pangulo. Dahil ang nangyari umano ay mismong mga tauhan ng Philippine National Police at Criminal Investigation and Detection Group sa pangunguna ni Nicolas Deloso Torre III ang dumampot sa kaniya upang dalhin ang dating pangulo sa ICC partikular na sa sa the Heige, Netherlands.

Kaugnay nito, umaasa naman si Cera na makikita na ng mga prosecutor’s ng ICC ang validity, arrest, kahalagahan ng ebidensya at basehan sa kaniyang warrant of arrest sa nakatakdang hearing nito sa Setyembre 23, 2025.

Matatandaan na isinagawa umano ang unang pagdinig ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands sa kasong crimes on humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung saan ay hindi ito nakadalo kaya pinayagan na lamang ito sa pamamagitan ng video link. Umabot umano ito sa mahigit 35 minuto at ang tumayo bilang abogado ni Duterte si dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

Samantala, sinabi naman ni Cera na hindi na rin aasahan na magkakaroon pa ng pagprotesta o ang pag-usbong muli ng people power revolution dahil dalawang panig na lamang ang naiwan partikular na ng mga marcos vs duterte supporters.