DAGUPAN, CITY— Nanawagan sa tulong ng Bombo Radyo ang isang German national sa embahada na matulungang makauwi sa kaniyang bansa matapos ito ay naging palaboy sa lungsod ng Dagupan makaraang maabutan ng lockdown dito sa Pangasinan.
Ang naturang indibidwal ay kinilalang si Iwelb Ritter, 54 anyos na nakikitang namamalagi sa bahagi ng Dagupan Astrodome.
Base sa salaysay ng isang concern citizen , ang naturang banyaga ay pumunta sa Pilipinas, partikular dito sa lungsod upang ipagamot ang kanyang paa dahil sa nangyaring aksidente.
Ngunit sa kasamaang palad umano ay hindi na niya makontak ang kanyang mga kamag-anak sa Germany dahil ninakaw umano ang kanyang cellphone.
Batay pa sa ibinahaging impormasyon ng naturang indibidwal sa bombo Radyo newsteam, ang naturang German national ay napilitan nang mamalagi muna sa naturang lugar dahil naabutan na ng lockdown dahil sa ipinatupad na rin na restriction ng ating bansa kontra COVID-19.
Ayon pa sa concern citizen, nang una ay kumakain lamang ito ng niyog ngunit nang kalaunan nang maubos na ang mga bunga nito sa lugar ay wala na itong makain at namamayat na rin ito.