BOMBO DAGUPAN – Kinumpirma ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na hiniwalayan na siya ng asawang si Gerald Sibayan sa pamamagitan lamang ng text message.

Hindi malilimutan ni Ai-Ai ang petsang Oktubre 14, 2024.

Sa isang talkshow ay inilahad nito na hindi niya malilimutan ang nasabing araw kung saan ay nakatanggap siya ng text message mula sa asawa niyang si Gerald Sibayan na nakikipaghiwalay sa kanya.

--Ads--

Madaling-araw sa Pilipinas, 2 A.M., nang matanggap ni Ai-Ai ang mensahe mula kay Gerald na nasa Amerika.

Katuwiran umano ni Gerald, gusto niyang magkaroon ng anak at hindi na siya masaya.

Hindi makapaniwala si Ai-Ai sa nabasa niya ngunit napagtanto niya kinalaunan na seryoso si Gerald.

Mula noon, hindi na sila nagkita o nagkausap nang personal ng estranged husband, na karelasyon niya sa loob ng sampung taon.

Ikinasal sina Ai-Ai at Gerald noong 2017 pagkatapos ng tatlong taong relasyon bilang magkasintahan.