Ibinahagi ng Department of Science and Technology o DOST region 1 ang kanilang mga kahandaan pagdating sa mga uri ng sakuna.

Ayon kay Michael John Maquiling ang siyang supervising SRS, DRRM at Smart and Sustaiable Communities ng opisina mayroon silang mga nakalatag na iba’t ibang capacity building activities at sa pamamagitan ng mga training at pakikipag-ugnayan sa mga local na pamahalaan sa buong rehiyon uno.

Aniya na kabilang ang rehiyon sa mga matagumpay na nakapagtapos at nakumpleto ang pagsasanay at isa nga sa kanilang programa ay ang GeoRisk Philippines (GeoRiskPH) na inisyatiba ng gobyerno at pinangungunahan din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na naglalayong maging isang sentro ng impormasyon tungkol sa mga disaster at kung paano malalaman kung mayroon bang mga hazard na mararanasan. Sa pamamagitan ng iba’t ibang aplikasyon ng programa ay makakatulong ito sa publiko para maging handa anumang oras.

--Ads--

Ang layunin nito ay palakasin ang kakayahan ng bansa na harapin ang mga disaster sa pamamagitan ng tama at maayos na pagsasagawa ng plano at desisyon upang makaiwas sa sakuna o malalang epekto ng mga sakuna.