Tumugon si Georgian Prime Minster Irakli Kobakhidze sa patuloy na lumalakas ang tensyon sa Georgia matapos ang mga malalaking rally sa kalsada at isang sunod-sunod na pagbibitiw ng mga mataas na opisyal. Dahil dito, tumanggi ang Punong Ministro ng Georgia na si Irakli Kobakhidze sa mga panawagan ng bagong halalan.

Aminado ang nasabing ministro na nagbitiw na rin ang Georgian ambassador sa US, ngunit iginiit niyang nagdanas ito ng pressure.
Sa kabila ng malalaking banda, iginiit ni Kobakhidze na walang nangyayaring ano mang bagay na labag sa batas.

Samantala, sa isang press conference, inihayag ni Kobakhidze na patuloy pa ring nakatuon ang Georgian Dream sa European integration at ang kanilang pangarap na makapasok sa EU.

--Ads--

Marami rin sa mga mamamayan ng Georgia, pati na ang ilang mga opisyal ng gobyerno, ang nag-aalinlangan, kasama na rito ang mga nagbitiw na mga ambassador, civil servants, at mga guro na umabot na sa 2,800 ang nagsanib-puwersa upang tutulan ang desisyon ng gobyerno.