Maaaring maideklarang unconstitutional ang o 2025 budget kung kakatigan ng korte suprema ang mga petitioners.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan otomatikong magkakaroon ng reenaactment sa previous budget.
Matatandaan na pinadedeklarang ‘unconstitutional’ o labag sa Saligang Batas ang Republic Act 12116 o General Appropriations Act (GAA) of 2025.
Sa petisyong inihain sa Supreme Court nina Davao Rep. Isidro Ungab, dating Executive Secretary Vic Rodriguez at iba pa, iginiit na nagkaroon umano ng ilang paglabag ang pag-apruba sa 2025 National Budget dahil sa umanoy mga umano’y mga blangkong items sa bicameral conference committee report ng spending plan.
Sa usaping blangkong items, ipinaliwanag ni Yusingco na ang dapat magpaliwanag dito ay ang mga lider ng kongreso dahil walang blangko sa budget bill na pinirmahan ng pangulo
Ang mga panukalang batas anito bago pa maging batas ay dumaan na sa mata ng mga mambabatas at sa mga sa staff ng pangulo kung kayat ang blangko ay nasa tinatawag na bicameral report.
Kung may anomalya man sa bicam report ay hindi mananagot ang pangulo kundi ang legislative branch ng kongreso o mga lider ng kongreso ang dapat na magpaliwanag.
Una rito, giniit ng mga petitioners na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang bicam nang lagdaan ang committee report sa 2025 National Budget ng may blangko.