Mga kabombo! Anong klaseng phobia mayroon ka?

Familiar ka ba sa tinatawag na bananaphobia o takot sa saging?

Ibahin mo ang Swedish Minister na si Paulina Brandberg dahil may hindi pangkaraniwan itong phobia.

--Ads--

Si Brandberg ay ang gender equality minister ng Sweden.

Base sa natuklasan ng isang media outlet ang matinding takot niya sa saging—o bananaphobia—dahil sa nag-leak na emails.

Kung saan sa emails na ito ay mababasa ang request ng staff ni Brandberg na huwag maglalagay ng anumang uri ng saging sa kanyang kuwarto at maging sa ibang venues kapag mayroon siyang official visits.

Bukod dito ay napag-alaman ding bago siya pumasok sa kuwarto o magpunta sa isang venue ay sinisiyasat munang mabuti ng kanyang staff kung may saging doon.

Noong 2020 ay nag-tweet pa si Brandberg sa X (formerly Twitter) na nagtataglay siya ng “world’s weirdest phobia of bananas.”

Ang kanyang tweet ay deleted na ngayon.

Ang pagkakaroon ng isang tao ng bananaphobia ay hindi pangkaraniwan.

Kalimitang nati-trigger ang phobia sa saging kapag nakakakita nito o nakakaamoy.

Nagiging sanhi ito ng anxiety at nausea sa may bananaphobia.

At noong naexpose ang condition ng minister, kinumpirma ng partido na may phobia nga si Brandberg sa saging.

Gayunpaman, isinalarawan ng partido na ang epekto lang nito sa minister ay ang pagkakaroon ng allergy.