Pinuri ni Senator Sherwin Gatchalian ang pamahalaan sa pagkakasiguro ng “safe passage” deal sa Iran, na aniya’y malaking tagumpay para sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na krisis sa langis dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang kasunduan kung saan pinayagan ng Iran ang pagdaan ng mga oil tanker ng Pilipinas sa Strait of Hormuz, na nagsisilbing pangunahing ruta ng suplay ng langis sa mundo.

“Iran’s commitment to allow the passage of PH-bound oil tankers through the Strait of Hormuz is a critical win for the country’s national energy security,” ani ng senador.

--Ads--

Pinuri rin niya ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Energy (DOE) sa mabilis na umaksyon upang maisakatuparan ang kasunduan. Aniya, makakatulong ito upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at kakulangan ng suplay sa bansa.

Ipinahayag din ni Gatchalian ang pag-asa na makatutulong ang kasunduan upang matiyak ang sapat na suplay ng langis sa mga susunod na buwan. Dagdag pa niya, ipatutupad din ang mga contingency plans na isinusulong ng Senate PROTECT committee upang matulungan ang mga Pilipinong apektado ng krisis.

Nauna nang kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang naging pag-uusap nila ni Iranian Foreign Minister Seyed Abbas Araghchi, na nagbukas ng daan para sa ligtas na pagdaan ng mga barko at Filipino seafarers sa Strait of Hormuz.Mga balita Pilipinas