Mga kabombo! Kung sa ibang mga pulis or awtoridad, aso partikular na ang K-9 ang katuwang para masiguro ang security sa mga public places.

Aba! ibahin niyo ang isang ito dahil gansa ang kanilang katuwang sa trabaho?

Tila nakakamangha ayon sa ilan kasi ang estratehiya na ginawa ng isang remote state sa Southern Brazil.

--Ads--

Bukod kasi sa higit 200 CCTVs sa mga towers pati na rin roving guards, aba! May mga gansa rin silang nakakalat para sa higit 12,000 prisoners ng maximum-security prison.

Ayon sa ahensya, ang mga gansa ang first line of defense laban sa mga bilanggong magtatangkang tumakas, at nakapuwesto sila sa madamong parte ng prison territory, sa pagitan mismo ng mataas na pader ng kulungan at bakod sa labas.

Lumalabas naman na sampung taon na nila itong kasama sa pagbabantay sa penitentiary.

Pero bakit pinili ng bilangguan na palitan ang mga guard dogs ng mga gansa?

Sabi ng prison guard, maganda aniya silang gawing bantay dahil ang mga ito ay “territorial by nature” at “vigilant.”

Kaya’t inaasahang mag-iingay sila kapag nabulabog ang nakasanayang routine.

Most recently, ginamit din ang mga gansa sa pagbabantay ng border area sa Vietnam at China noong panahon ng pandemya.