Mga kabombo! Paano kung sabihin sa’yo na may bagay na mas mahal pa sa ginto — at galing pa sa loob ng baka?

Ano nga ba ang tinatawag na bovine gallstones at bakit ito pinagkakaguluhan sa iba’t ibang bansa?

Sa kabila kasi ng pagiging hindi pangkaraniwan, ang tinatawag na cow gallstones o mga matitigas na deposito mula sa apdo ng baka ay itinuturing na napakahalaga sa Traditional Chinese Medicine.

--Ads--

Sa katunayan, noong 2025, umabot sa humigit-kumulang $5,800 kada ounce ang presyo ng gallstones ng baka—halos doble ng presyo ng ginto sa panahong iyon.

Lumalabas naman na umabot sa ganitong halaga ang presyo nito dahil na rin sa bihira ang gallstones sa mga baka.

At mas malaki ang tsansang mabuo ito kapag matanda na ang hayop, ngunit sa modernong industriya ng karne, kadalasang mas maagang kinakatay ang mga baka para mas maging episyente ang produksyon.

Dahil dito, lalong nagiging limitado ang supply—at patuloy na tumataas ang presyo.

Dahil sa tumataas na demand, gumawa rin ang mga mananaliksik sa China ng mga lab-grown o “cultured” gallstones na ginagaya ang ilan sa mga epekto ng natural na bato.

Bagama’t itinuturing pa rin na mas “standard” ang natural na gallstones, inaasahang makakatulong ang mga synthetic version para mapababa ang presyo.