DAGUPAN CITY- Tiniyak ng pamunuuan ng Comelec Region 1 ang maayos na automated counting machine na gaagmitin para sa Local at Midterm Election 2025.
Ayon kay Assistant Regional Election Director (Region I) Atty. Reddy C. Balarbar na mayroong nakalinyang iskedyul kung kalian isasagawa ang roadshow o demonstration ng gagamiting machine para sa halalan sa bawat probinsya sa buong rehiyon uno kung saan nakipag-ugnayan na rin ito sa mga Comelec offices para pagbabahagi ng sapat na kaalaman sa mga botante kung paano gagaamitin ang automated counting machine.
Anya na hindi maiiwasan na mayroong mga nagiging isyu sa mga machine na ginagamit sa halalan ngunit wala pa naman nakakapagpatunay ukol dito.
Bago pa man ang halalan ay sisiguraduhin nila na lahat ay magagamit nang maayos para sa pagkakaroon ng patas na resulta at mayroon naming mga back up kung kakailanganin.
Samantala, binigyang diin nito na mulat na rin ang taong bayan sa pagpili ng kanilang mga ilulok na mga kandidato para mamuno sa knailang bayan at gayundin na may malaking tulong ang paggamit ng social media pagdating ng halalan.
Bukod naman dito isa rin sa kanilang tinitignan ang pagakakroon ng mall voting para sa mga botante at lalong Lalo na ang mga nasa vulnerable sector para sa maayos at organisadong pagboto ng mga botante.