Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang Monitoring and Evaluation Training ng Gender and Development (GAD) ng ilang mga miyembro ng GAD Focal Point System ng lokal na pamahalaan ng Bayambang.
Layunin ng aktibidad na ito na mapalawak ang kaalaman ng mga kawani na bumubuo sa LGU ng bayan patungkol sa paksa.
Isa sa mga natalakay sa aktibidad ay ang wastong paraan at mga estratehiya ukol sa pag-aaral ng mga iba’t ibang programa at proyekto ng pamahalaan.
Inaasahan naman na sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay mas lalo pa silang makapagbibigay ng inspirasyon upang magsumikap pa nang sa gayon ay mapakinabangan ito ng kanilang nasasakupan, mapababae man o lalaki.
Sa pamamagitan ng training, makapagdadala ito ng magandang epekto sa paghahatid ng mga serbisyo sa bawat residente sa bayan anumang uri ng kasarian mayroon ang bawat isa.