Dagupan City – Mga kabombo! Lalo na sa mga fur-parents!

Isang nakakagiliw na balita ang nangyari sa Peru. Ito’y matapos na ikasal ang fur-babies.

Ayon sa ulat, iginugugol ng ilang fur parents ang kanilang holiday leave sa pag-aasikaso sa kanilang mga alaga na ikakasal.

--Ads--

Naging tradisyon na kasi sa nasabing lugar ang pag-oorganisa ng mass weddings para sa mga aso. Kaugnay pa nito ang nakaugalian na sa Peru na kasalang bayan.

Ayon sa mga fur-parents, ito ang naging inspirasyon ng mass dog weddings na nagbigay ng kakaibang twist sa naturang tradisyon.

Kung saan, gaya na lamang ng kasal ng tao, naka-tuxedo at bow tie ang ilang groom na aso, habang naka-wedding dress naman ang bride nila. Ang iba naman, sinusuotan ng makukulay na damit.

Dagdag pa ang makakakuha ring marriage certificatena tinatakan nila gamit ang kanilang paws.

Ayon sa organizer ng mass dog wedding, layon ng ganitong event na magbigay ng awareness sa pagiging responsible pet owners.