Mga kabombo! Gaano nga ba kahaba ang pasensya niyo?

Sabi nga nila, kapag may fur-baby ka dapat ihanda mo na ang mahaba-haba mong pasensya.

Paano ang tanong, kaya mo parin bang magpasensya kapag naranasan mo nang pakealaman ng fur-baby mo ang niluluto mo?

--Ads--

Hindi basta pakealam kundi-sayangin ito!

Paano ba naman kasi, isang foster kitten na nag­ngangalang Wendy ang naging sentro ng isang hindi inaasa­hang insidente matapos itong makunan ng security camera na naghulog ng patay na daga sa nilulutong hapunan ng kanyang mga amo.

Ang mga larawan mula sa home security camera sa kusina ng foster family ni Wendy ay nagpapakita na inihuhulog ang patay na daga sa isang kaldero ng pagkain na nakasalang sa stove.

Ayon sa foster owner ni Wendy, lumabas siya upang pakainin ang kanyang mga aso nang makunan ng kitchen camera ang pagtatangka ng pusa na “magluto.”

Sinabi niya na ang kahina-hinalang pag-uugali ng pusa nang bumalik siya sa kusina ang nagtulak sa kanya upang suriin ang camera footage at matuklasan ang iniwan ni Wendy sa kaldero.