DAGUPAN CITY- Mga kabombo! Isa ka rin ba sa mahilig mag invest sa kasiyahan ng iyong furbabies? Mula sa mga pagkain, veterinarian check-ups, damit, at hanggang sa laruan ng mga ito?
Tulad niyo, kakaiba rin ipakita ng isang Chinese Youtuber ang kaniyang pagmamahal sa mga alagang pusa nito.
Pano ba naman, ginugulan niya ng panahon ang pagbuo ng functional miniature subway system para sa kaniyang mga pusa.
Apat na buwan ang inilaan ni Xing Zhilei para matapos ang proyektong ito.
Nagsimula ito matapos mag-request ang kaniyang mga viewers sa kaniyang video, 2 years ago, kung saan gumawa siya ng bahay para sa kaniyang pusa na si Mr. Nice.
Bagaman may background si Zhilei sa engineering, nagpahirap sa kaniyang proyketo ay ang sabay-sabay na pagbukas ng mga train at platform doors, at paggawa ng miniature escalator.
Umani naman ng higit 100 million views ang kaniyang video sa loob lamang ng unang dalawang araw ng pagkaka-upload nito.