DAGUPAN CITY- Mahalagang matutukan ang functional literacy para sa kinabukasan ng kabataan at ng bansa, lalo na’t nakaaapekto ito sa kinabukasan ng mga mag-aaral.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas, Chairperson, Teachers Dignity Coalition, bagama’t mataas ang bilang ng mga nagtapos, marami sa kanila ang hindi functionally literate o hindi sapat ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa.

Aniya, maraming factors ang nakaka-apekto dito, tulad ng kakulangan sa mga paaralan sa aklat, learning materials, maayos na pasilidad, at sapat na guro.

--Ads--

Dagdag pa niya, galing pa sa mahihirap na pamilya ang karamihan sa mga estudyanteng nangangailangan ng tutok, ngunit hindi nabibigyan ng sapat na pansin.

Kailangan aniyang tutukan ang kahinaan ng bawat bata at hindi lamang tumingin sa mga programang pangkalahatan.

Sa kabila nito, marami ring mga hakbangin ng pamahalaan para tugunan ang isyu, ngunit iginiit niyang kulang ito sa implementasyon at suporta.