BOMBO DAGUPAN — Nilagdaan na ni French football star Kylian Mbappe ang kontrata upang sumali sa Real Madrid sa isang free transfer sa oras na matapos ang kanyang kontrata sa Paris St-Germain sa darating na Hunyo 30.
Unang inanunsyo ng France striker ang kanyang pagsang-ayon na lumipat sa Bernabeu noong Pebrero at sinundan nya ito ng pag-anunsyo noong nakaraang buwan na aalis na ito ng PSG pagkatapos ng season.
Si Mbappe na 25-anyos ay lumagda na sa mga termino ng kasunduan sa Real Madrid at nakatakda itong lumipat sa Spain sa pagbubukas ng La Liga transfer window sa Hulyo 01.
Inaasahan naman na ilalabas ng Madrid ang anunsyo kaugnay sa nasabing kasunduan sa susunod na linggo at pormal na ipe-prisenta ang forward sa Bernabeu bago ang Euro 2024.
Si Mbappe na World Cup Winner noong 2018 ang ang record goalscorer ng PSG na may 256 goals simula sumali ito sa koponan mula sa Monaco noong inisyal nitong loan noong 2017.
Lumagda ito ng kasunduan sa Real Madrid hanggang 2029 na magbibigay sa kanya ng €15-million bawat season, na may karagdagab pang €150-million signing-on bonus na babayaran sa kanya sa loob ng higit 5 taon, at mapapanatili nito ang kanyang porsyento sa kanyang mage rights.
Kasabay nito ay makukuha din ng French player ang pagkakataon na makapaglaro kasama si Luka Modric, isang Croatian midfielder na nakatakda naman lumagda para sa panibagong one-year extension sa koponan.
Si Modric ay naglaro ara sa Real Madrid kasabay ng pagkapanalo ng koponan ng kanilang ika-15 European Cup title na may 2-0 na panalo laban sa Borussia Dortmund at Wembley noong Sabado.