Kinumpirma ng Pangasinan Irrigators Association na nagkakaroon ngayon ng free trade sa mga agricultural products katulad ng sibuyas dahil sa oversupply.

Sa eksklusibong panayam kay Pangasinan Irrigators Association President Ernesto Pamuceno, sinabi nito na dahil sa World Trade Organization Agreement o ang tinatawag na Kasunduan sa Agrikultura, makakapasok ang mga produktong agrikultura sa bansa ng walang taripa o tax.

Sa kasunduan ring ito mas tinanggalan ng gobyerno ang subsidyo nito sa mga magsasaka para sa lokal at pang-eksport na produksyon.

--Ads--

Samantala, iginiit naman nito na wala pang direktang epekto sa mga pananim dito sa lalawigan ang nararanasang El Nino.

Aniya, may tubig pa sa ilang lugar dito sa probinsiya para sa kanilang irigasyon mula sa San Roque Dam kaya hindi pa gaanong apektado ang mga pananim dahil sa dry season. with reports from Bombo Badz Agtalao