BOMBO DAGUPAN – Posibleng pumirma ng extension si Free agent guard Malik Monk kasama ang Sacramento Kings.

Ayon sa ulat, $78Million na kontrata ang inalok kay Monk para sa apat na taong pananatili niya sa Kings.

Positibo naman ang naging tugon ng Kings guard sa naturang alok kung saan inaasahang pipirma siya sa kanyang kontrata sa pagtatapos ng moratorium na inilatag ng NBA sa July 7, 2024.

--Ads--

Si Monk ay runner-up sa 2023-24 Kia NBA Sixth Man of the Year Award at isa sa mga maaasahang reserve guard sa NBA.

Bago ang pagpasok niya sa Kings noong 2022-2023 season, pinangunahan niya ang lahat ng reserve sa NBA na may pinakamaraming points at kumamada ng 1,110.

Hawak ni Monk noon ang pinakamaraming assists kumpara sa iba pang bench ng NBA at kumamada ng 370 assists.

Hawak din niya ang career high na 15.4 points per game at 5.1 assts per game.

Samantala, bagaman hindi pa nagsisimula ang Free agency sa NBA, naniniwala ang maraming NBA analysts na ang maagang kontrata na inalok kay Monk ay hindi lumalabag sa mga regulasyon na sinusunod ng liga (moratorium).

Sa ilalim ng bagong collective bargaining agreement na sinusunod ng NBA, nakasaad dito na maaari nang kausapin ng mga team management ang kanilang mga players na inaasahang papasok sa free agency, isang araw pagkatapos ng NBA Finals.