BOMBO DAGUPAN – Itinalaga si Franki Russell bilang Miss Cosmo New Zealand 2024.

Ibig sabihin, makakatunggali ni Franki ang pambato ng Pilipinas na si Miss Cosmo Philippines 2024 Ahtisa Manalo sa Miss Cosmo 2024, isang bagong international pageant.

Hindi pa man sinisimulan ang pageant, isa nang fan favorite at strong contender si Ahtisa sa bagong international pageant na ito.

--Ads--

Habang ipinost naman ng Miss Cosmo Organization ang pagkaka-appoint kay Franki bilang Miss Cosmo New Zealand 2024.

Kalakip ng post ay maiksing profile ni Franki.

Kung saan ni-repost naman ni Franki ang announcement sa kanyang social media accounts.

Sunud-sunod din ang pag-repost ni Franki ng IG posts ng mga fans at pageant vlogs ukol sa kanyang pagkakatalaga.

Magandang balita naman ang announcement na ito para sa supporters at pageant fans kasunod ng makailang ulit na pagkakapurnada ng pagsabak ni Franki sa pageantry.