Pinapaikot lamang ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas lalo na ang mga public officials dahil gusto niyang ipakita sa publiko na siya parin ang may kontrol sa sitwasyon.
Ito ay matapos niyang hindi dumalo sa quad comm hearing kayat ito ay kinansela at muling pagdalo niya ngayong araw.
Dahil dito nagpapakita lamang ito na kaya parin niyang imanipula ang mga tao sa paligid niya.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco Political Analyst na may karapatan ang mga mambabatas para magsagawa ng inquiries at dapat na igalang ng dating pangulo ang proseso.
Subalit lumalabas ngayon na tila siya pa ang nagwagi dahil sa pagkakaroon ng platapormang ito para ipakita na siya parin ang alpha dog at nagdidikta sa mga usapan dahil sa kaniyang pagharap sa senate hearing kamakailan lamang.
Samantala, kaugnay naman kay dating Police Colonel at PCSO General Manager Royina Garma na siyang nagturo kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng extra judicial killings sa kaniyang ipinatupad na drug war.
Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) na agad na ayusin ang pagbabalik sa bansa nito mula sa US.
Magugunitang nitong Nobyembre 7 ay naaresto si Garma kasama ang anak nitong si Angelica sa San Francisco, California.
Nakalaya si Garma matapos bawiin ng Quad commitee ang kaniyang contempt order.