Dalawang Federal Investigations na ang kinasasangkutan ni former US President Donald Trump – ito ang naging pahayag ni Bombo International News Correspondent Isidro Madamba Jr. sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.


Binigyang-diin ni Madamba na una nang nasangkot si President Trump kaugnay ng implekasyon sa nakaraang 2020 Presidential Elections, nangyaring paglusob ng mga residente sa Capitl upang mag-rally, at mishandling ng mga classified documents.


Kaugnay nito ay magugunita na inakusahan naman ng New York State Attorney General, Letitia James, si former President Trump at tatlong anak nito na sina Donald Jr., Ivanka, at Eric, ng “massive fraud” kaugnay ng mga ill-gotten gains na nagkakahalahaga ng $250 million noong Miyerkules, Setyembre 21.

--Ads--


Dagdag pa ni Madamba na ang sinampang kaso kay former President Trump ay mayroong higit na 200 pahina na naglalaman ng mga akusasyon laban sa kanya kabilang ang kanyang mga network, businesses, at mga ari-arian ay idineklarang “ill-gotten” kung saan ay lumalabas na napag-alaman umano na ang mga pagsisikap ng dating Pangulo na palakihin ang kanyang personal na net worth upang makaakit ng mga kanais-nais na kasunduan sa pautang at nag-aakusa ng higit sa 200 mga pagkakataon ng pandaraya sa loob ng 10 taon.


Saad pa ni Madamba na tila ba nataon ang pagkasangkot ng dating Pangulo sa maramin kontrobersiya ngayong nalalapit naman ang susunod na Presidential elections kung saan naman ay nakikita si former US President Donald Trump ang pambato ng mga kasalukuyang nakaupong mga Republicans o mga NGOP.


Subalit sa ngayon ay mayroon na namang kasong kinahaharap ito kasama ang Trump Organization at kanyang mga anak dahil sab mga panloloko ng kanyang kumpanya.


Kaugnay nito ay kasama naman sa mga kasong isinampa ni Atty. General Letitia James laban sa dating pangulo ay ang pagbabawal na manilbihan ang kanayng kumpanya na naka-base sa New York, at pagbili ng mga transactions o mga transactions na may kinalaman sa real estate.


Dagdag pa ni Madamba na lumalabas din umano sa kasong isinampa kay former President Trump na hindi nagtutugma ang isinasaad nilang halaga ng kanilang mga ari-arian at iba pang mga properties sa aktwal na values ng mga ito.

Bagamat lumalabas naman sa resulta ng mga isinasagawang survey na marami pa rin ang pumapabor kay US President Joe Biden, marami pa rin naman umano ang sumusuporta sa dating Pangulo lalo na sa hanay ng mga Republicans.