Mga kabombo! Mahilig ka bang mag-motor?
Isa ka ba sa sinasabi nilang “motor is life”? Ang tanong, kaya mo bang mag-motor para libutin ang mundo?
Ito kasi ang ginagawa ng isang kilalang motorcycle grand prix racer kung saan anim na taon nang naglalakbay sa iba’t ibang bansa habang nakayapak!
Kinilala itong si Axel Pons na dating Moto2 racer at anak ng kilalang MotoGP champion na si Sito Pons. Ngunit sa kabila ng pagiging taniyag sa kaniyang larangan, tuluyan niyang iniwan ang career bilang racer, modelo sa mga kilalang fashion industry upang tahakin ang kakaibang landas, ang maglakbay ng naka-motor sa iba’t ibang panig ng mundo.
Taong 2017, nang mag-retiro si Axel, nagsimula siyang naglakbay nang walang suot na sapatos.
Nagsimula naman itong maglibot sa kaniyang bansang Spain, dala lamang ang kaniyang backpack.
Ani Axel, isa sa kaniyang pinanghahawakan ay ang mas mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagtuklas sa kalikasan.
Kamakailan, naging viral si Axel matapos makita sa Pakistan habang naglalakad. Ibinahagi niya na ang kanyang layunin ay maunawaan ang kagandahan ng mundo nang walang anumang pag-demand sa makamundong karangyaan.
Bagamat hindi siya nakatawid sa India dahil sa visaissues, pinaplano niyang dumaan sa China bilang alternatibong ruta.