Pumanaw na ang Amerikanang aktres na si Daveigh Chase, sa edad 35 na higit na nakilala sa kanyang mga papel sa horror film na The Ring at sa pelikulang Disney na Lilo & Stitch.

Kinumpirma ng kanyang nobyo na si Roy Hernandez ang biglaang pagpanaw niya noong Martes, Hunyo 16, 2026, matapos magkasakit ng meningitis at impeksiyon sa dugo na nagdulot ng sepsis, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Napag alamang naospital ang aktres sa Los Angeles noong unang bahagi ng buwan dahil sa malnutrisyon.

--Ads--

Sumikat si Daveigh noong 2002 matapos niyang bigyang-boses si Lilo Pelekai, ang masiglang batang babaeng Hawaiian, sa hit animated film ng Disney na Lilo & Stitch.

Muli niyang ginampanan ang karakter sa ilang sequel at serye sa telebisyon, kabilang ang Stitch! The Movie (2003), Lilo & Stitch: The Series (2003), at Leroy & Stitch (2006).

Pinuri siya ng marami dahil sa kanyang mahusay na voice acting.

Bago nito, siya rin ang nagbigay-boses kay Chihiro Ogino sa English dub ng kinikilalang Japanese animated film na Spirited Away noong 2001.

Bukod sa voice acting, naging isa si Daveigh sa pinakakilalang batang bituin sa genre ng horror matapos niyang gampanan si Samara Morgan—ang nakatatakot na multong may mahabang buhok na lumalabas mula sa telebisyon—sa The Ring noong 2002.

Lumabas din siya sa mga pelikulang Donnie Darko (2001) at S. Darko (2009).

Sa telebisyon, nagkaroon si Daveigh ng paulit-ulit na papel bilang child bride na si Rhonda Volmer sa drama series na na Big Love, kung saan lumabas siya sa 32 episode.