Nangangamba ngayon ang mga estudyante sa Harvard University partikular na ang mga foreign students na nasa 1st hanggang 3rd year.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual – Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos na pansamantalang itinigil muna ang enrollment sa mga international students kaya’t nagdulot ito ng takot sakanila sa pangambang kapag umuwi sila sa kani-kanilang bansa ay hindi sigurado kung makakabalik pa ba sila o hindi na.

Aniya na ang mga graduating students ay may abilidad na makapagtapos doon at makahanap na rin ng trabaho.

--Ads--

Subalit ang mga hindi pa magtatapos o mga freshmen ay hindi sigurado kung anong mangyayari sakanila.

Samantala, nasa kabuuang 6,800 na foreign students ang nag-aaral sa unibersidad at ani Pascual kung walang international students ang Harvard ay hindi Harvard.

Sa ngayon ay nakapag-file na ng kaso ang White House laban sa Harvard subalit pansamantala muna itong blinock ng korte dahil isa itong violation ng batas.

Ang paraang ito aniya ay ginawa ni Trump upang malabanan ang anti-semitism sa Estados Unidos.