Dagupan City – Dapat bigyan ng saludo at pagkilala ang Department of Foreign Affairs sa nangyaring pagpapalaya at pagpapabalik ng pamahalaan ng Indonesia kay Mary Jane Veloso sa bansa nang walang nagawang exchange.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, hindi lang kasi basta-basta ang kanilang ginawa pagtutok at pagsulong na maisilbi ang kalayaan kay Veloso.

Sa ilaim ng pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs sa Department of Justice ng Pilipinas, maaring nagdesisyon umano aniya ang pamahalaan ng Indonesia na ito ang tamang gawin base na rin sa mga datos na ipinapakita sa kanila.

--Ads--

Maituturing naman itong isang napakagandang pangitain sa pamilya ni Veloso, sa kabila nang muling pagharap nito sa kaniyang kaso dito sa bansa.

Sa kabila nito, tiwala naman si Senate President Chiz Escudero na pagkakalooban ni Pangulong Bongbong Marcos ng clemency o pardon si Mary Jane Veloso oras na maisailalim na ito sa kustodiya ng bansa.

Ngunit ayon kay Yusingco, nasa pangulo na kung ano ang kaniyang magiging desisyon gayong sa kabila ng lahat ay itinuring na convicted pa rin sa Indonesia si Veloso.