Kasabay ng mainit na panahon at pagdagsa ng mga aktibidad tuwing pista o Easter, tumataas ang panganib ng food poisoning, lalo na kung ang pagkain ay naiwan sa room temperature.
Iminungkahi ni Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV ng Center for Health Development – DOH Region I ang tamang pag-iimbak ng pagkain sa refrigerator at siguraduhing malinis ang mga inumin at pagkain bago kainin o bilhin.
Aniya, siguraduhing alam natin ang pinagmulan ng inumin at pagkain. Kung hindi tayo sigurado kung malinis o ligtas ito, mas mabuting iwasan
Bukod naman sa food poisoning tinalakay din ni Dr. Bobis ang kadalasan nararanasan ng mga tao tuwing mainit ang panahon.
Kabilang dito ang sunburn o prickly heat.
Ayon sa DOH, sanhi ito ng bacterial growth sa katawan dulot ng pawis at hindi agad nalilinis, kaya mahalaga ang araw-araw na paliligo.
Para maiwasan ang sunburn tuwing bakasyon, ipinayo ng DOH at ng mga dermatologist ang paggamit ng sunblock na may mataas na SPF, na dapat ipahid 30 minuto hanggang isang oras bago lumangoy o pumunta sa beach, at muling ipahid kung kinakailangan.
Tinalakay din ni Dr. Bobis ang positibo at negatibong epekto ng pag-aayuno, lalo na tuwing Semana Santa.
Kung saan ang fasting ay maaaring magpababa ng blood sugar, magdulot ng weight loss, at makatulong sa regulasyon ng katawan, subalit dapat itong gawin ng tama.










