Dagupan City – Bumababa ang datos ng focus crime sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Pcol. Rollyfer Capoquian, Prov. Director, Pangasinan Provincial Police Office, dahil ito sa kanilang paglalatag ng mga karagdagang personnel, tinututukang deployment at sa tulong ng Regional Headquarters na nagdedeploy ng karagdagang kapulisan sa lalawigan.

Kung saan aniya, police visibility ang nakikitang pinaka-epektibong paraan at naging dahilan sa pagbaba ng krimen sa lalawigan.

--Ads--

Gaya na lamang ng: pagpapakalat ng presensya ng kapulisan sa National Highway upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Dagdag pa ang kanilang Program cluster na Promoting Order and Discipline at Neutral and Just Policy, dito aniya nasisiguro na mayroon ring tamang disiplina ang kapulisan sa mga bagong estratehiya sa pagpapatrolya, pagsasanay, at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at mga komunidad.