Dagupan City – Patuloy na isinusulong ng pamahalaang lungsod ng Dagupan ang flood control projects bilang isa sa mga pangunahing proyekto nito, kasunod ng mga karanasang pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod tuwing may malalakas na pag-ulan.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen T Fernandez, kabilang ang flood control sa top three na prayoridad ng lungsod, at marami pang kaugnay na proyekto ang nakatakdang ipagpatuloy upang mabawasan ang epekto ng pagbaha sa mga kabahayan.
Nagpasalamat naman ang alkalde ng lungsod sa suportang natatanggap mula sa pamahalaang pambansa, na malaking tulong umano upang maisakatuparan ang mga programang may kaugnayan sa flood mitigation at flood management.
Bilang bahagi ng flood control efforts, isinasagawa ang pagpapabuti ng drainage system ng lungsod. Kabilang dito ang pagpapalawak ng mga kanal at masinsinang dredging o paglilinis ng mga daluyan ng tubig upang mas maging maayos ang daloy ng ulan at maiwasan ang pagbabara.
Tuloy-tuloy rin ang mga flood mitigation activities ng lungsod, kabilang ang paghahanda at disaster preparedness, upang masigurong handa ang mga komunidad sakaling muling makaranas ng matinding pag-ulan.
Layunin ng pamahalaang lungsod na mapababa ang panganib ng pagbaha at maprotektahan ang kaligtasan at kabuhayan ng mga residente ng Dagupan.
Home Local News Flood Control Project, kabilang sa prayoridad ng Pamahalaang lungsod ng Dagupan ngayong...










