DAGUPAN CITY- Matapos mapulitika ang seawall at flood control project sa bayan ng Lingayen, maipagpapatuloy na ito dahil sa pagkakaroon ng Environmental Compliance Certificate (ECC).

Ayon kay Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco, lubos ang kanyang pasasalamat at sa pagkakaisa ng mga taumbayan noong nakaraang halalan na nagresulta sa pagkapanalo nito at mga kaalyado ay ang dahilan ng pagkakaroon ng ECC para sa mga naka-‘tenggang’ mga proyekto gaya ng floodgate sa ikalawang distrito ng lalawigan.

Ang ECC ay ang mahalagang dokumento na ibinibigay ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) bago masimulan ang anumang proyekto na maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kapaligiran.

--Ads--

Ani Rep. Cojuangco, na revert na ang pondo ang seawall project sa national government ngunit maaaring mahanapan pa ng pondo para maipagpatuloy ito.

Samantala, maghahain naman ng panukalang batas si Rep. Cojuangco upang maging maayos, deretso ang mga kailugan at maiwasan ang pag-iba ng landas nito.

Aniya, hindi sistematikong quarry ang kaniyang nakikitang pinagmumulan ng pagkasira ng daloy ng kailugan na siyang nagdudulot naman ng erosion.

Sa pamamagitan nito ay magiging ‘programmable’ na ang expenditure sa pananatili ng kaayusan sa kailugan sa lalawigan at sa bansa.