Dagupan City – Kasalukuyang nakakaranas ng matinding hirap ang mga operator ng palaisdaan sa Pangasinan dahil sa matinding init at pagtaas ng gastos sa produksyon.

Dahil sa temperaturang lumalagpas sa 40°C at umaabot pa sa 46°C, nakakaranas ng kakulangan sa oxygen ang mga bangus kaya umaahon ang mga ito sa tubig. Bagama’t maliit pa lamang ang apektadong bahagi ng produksyon, naghahanda na ang mga operator sa posibleng fish kill sa pamamagitan ng paggamit ng aerators.

Gayunman, limitado ang paggamit nito dahil sa mahal na gasolina at diesel.

--Ads--

Upang makaiwas sa mas malaking pagkalugi, binawasan ng ilang fishpond operator ang dami ng isdang inaalagaan at nagtipid din sa pagpapakain dahil sa tumataas na presyo ng feeds at epekto ng init.