DAGUPAN CITY- Labis nang ikinatuwa ni Kent Brian Celeste, pambato ng Pilipinas para Men’s High Jump sa SEA Games 2025, ang pagkasungkit ng 4th place sa naturang kategorya.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya,, aniya, ang mapili palang bilang atletang maglalaro para sa bansa ay isa nang ‘blessing’ para sa kaniya.
Aniya, ito ang kaniyang kauna-unahang experience sa SEA Games at masasabi niyang naging maganda ang kaniyang ipinakitang performance.
Maging ang mga katunggali ay ipinakita ang magandang execution.
Kinulang man ng isang pwesto si Celeste, nakuha naman aniya ng kaniyang kasamahan na si Leonard Grospe ang tansong medalya.
Gayunpaman, hindi aniya naabot ang sariling satisfaction sa ipinakitang performance dahil malapit na niyang malamangan ang sariling Personal record subalit nabigo siya.
Samantala, umabot ng 2-3 months ang paghahanda ni Celeste bago ang pagsabak sa palaro.
Nagkaroon man ng kaonting problema subalit, kaniya naman itong nalampasan.










