Tapos na ang konstruksyon ng first phase ng dike sa Sinukalan river sa bayan ng Santa Barbara, Pangasinan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang konstruksyon ng iba pang bahagi ng Sinukalan River irrigation  project.

Nakatakdang tapusin ang kabuoan ng proyekto sa buwan ng  Agosto ngayong taon.

--Ads--

Matatandaan na noong nakaraang taon, umapaw ang tubig sa Sinukalan River na sanhi ng pagbaha sa national highway.

Samantala, puspusan din ang paghahanda ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO.