Dagupan City – Pinangunahan ni First lady Liza Araneta-Marcos kasama ang anak na si William Vincent ‘Vinny’ Marcos ang isinagawang groundbreaking ceremony sa bagong campus na Bayambang Polytechnic University sa Pangasinan.
Sa naging mensahe ni Dr. Cezar T. Quiambao, Founder ng Bayambang Polytechnic University, sinabi nito na maituturing umano itong isang makasaysayang araw para sa sektor ng edukasyon sa bayan.
Aniya, naging bahagi ng kanilang adhikain na mapagtagumpayang maitayo ito ay ang mga mag-aaral na kapos, at umaasa lamang sa libreng edukasyon sa pampublikong paaralan gaya na lamang ng Pangasinan State University.
Isa kasi aniya ang edukasyon sa susi upang unti-unting matuldukan ang kahirapan, at marami pa ring residente ang nais makapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi magawa dahil sa kapos palad.
Kaugnay nito, may mga alotted schedules na rin sila sa mga working students na nais pa ring ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, kung saan ay nakatakdang maglaan ng availability time sa mga ito.
Sa kasalukuyan, mayroon silang kulang 1000 scholars at higit 85 naman rito ay graduating na.
Habang nasa 15,000 students naman ang TESDA Accredited.
Ani Quiambao, ito ang simbolo na walang anumang hadlang sa pag-abot ng pangarap at isa na nga rito ang makapagtapos ng pag-aaral, dahil sa ilalim ng kanilang adbokasiya, pinangako nitong hindi lamang ito basta lamang salita, kundi- mayroong katuparan para sa mga mag-aaral.
Sa kabilang banda, Sinabi naman ni Dr. Prospero “Popoy” E. De Vera III, Tagapangulo ng Commission on Higher Education (CHED), nakatakda namang ipatayo ang panibagong building pa para sa mga kursong BS Entrepreneurship at BS Agri-Business na nakapasa na rin sa standard ng CHED.