DAGUPAN CITY–Nadagdagan pa ang bilang ng biltima ng naitalang Firecracker Related injuries dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa tala ng Provincial Health Office o PHO, mula December 21 hanggang January 2 umaabot sa 46 ang naitalang Firecracker Related injuries bagamat mas mababa sa 76 na naitala sa kaparehong panahon sa nakalipas na taon.

Ang pinakabatang biktima ay edad 6 na taong gulang habang pinakamatanda ay 45 na karamihan ay mga lalaki. 15 na kaso ay dahil sa kwitis, 8 kaso ng luces, five star na may 8 kaso, 4 sa fountain, 1 kaso dahil sa boga, 1 sa watusi, isa sa goodbye Philippines , 3 kaso dahil sa bawang, 3 kaso dahil sa whistle bomb at isa ang tinamaan ng mother rocket.

--Ads--

Ang mga naapektuhang parte ng katawan ay sa kamay na may 23 kaso, dalawa sa leeg at ulo, lima ang may tama sa tuhod at binti, isa sa dibdib, 3 sa abdomen, apat ang tinamaan sa mata, dalawa sa may likod, at dalawa sa paa.

Dalawa sa mga biktima na kailangang putulin ang naapektuhang bahagi sa kamay ay isang 10 anyos na batang lalaki mula sa lungsod ng Dagupan na nasabugan ng (Mixed Pulbura) at isang 27 anyos na lalaki mula sa bayan ng Bolinao na nasabugan sa kamay ng Goodbye Philippines