Mas kaunti ang naiulat na firecracker injuries sa lalawigan ng Pangasinan ngayong Holiday Season, ayon sa datos ng Provincial Health Office (PHO).

Sa kasalukuyan, walong insidente pa lamang sa ngayon ang naitala ng PHO, na mas mababa ng 33% kumpara sa 12 kaso noong nakaraang taon.

Sa kabila nito, pitong bayan sa lalawigan ang nakapagtala ng firecracker-related injuries gaya ng Anda, Burgos, Mapandan, Bani, Malasiqui, Rosales, at Calasiao.

--Ads--

Kabilang sa mga paputok na naging sanhi ng mga pinsala ay sky rocket, whistle bomb, boga, fivestar, boom boom, at kwitis.

Dahil sa insidente, nagpapatuloy ang pagbabantay ng PHO upang matutukan ang mga kasong ito hanggang sa matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon.