Dagupan City – Nagsagawa ng masusing Fire Safety Lecture at Drill ang Bureau of Fire Protection (BFP) Urdaneta City sa isang mall na matatagpuan sa barangay Nancayasan.
Layunin nito na matiyak ang kahandaan ng mga tao sa establisimyento sa anumang sunog o sakuna.
Hindi lamang lectures ang tinuro dahil kasama sa pagsasanay ang mga praktikal na demonstrasyon, tulad ng tamang paggamit ng fire extinguisher.
Pinapakita sa mga empleyado ng mall kung paano ito gamitin nang tama at epektibo sa iba’t ibang sitwasyon.
Bukod dito, nagkaroon din ng demonstrasyon sa tamang paraan ng paglikas sa gusali sa panahon ng sunog, kabilang na ang paggamit ng mga emergency exit at ang pagsunod sa mga tagubilin ng mga tauhan ng BFP.
Pinagpraktisan din ang mga hakbang na dapat gawin kung mayroong natrap sa loob ng nasusunog na gusali.
Siniguro ng BFP na handa ang mga tauhan ng mall sa mga posibleng pangyayari dahil mahalaga itong hakbang na masanay at maprotektahan ang mga empleyado, customer, at ari-arian ng mall dahil ipinapakita nito ang pangako ng BFP sa kaligtasan ng publiko.