DAGUPAN CITY- Financial mismanagement umano ang problema sa transport sector dahilan ng hindi pagiging epektibo ng pagpapatupad ng Public Transportation Modernization Program (PTMP).

Ayon kay Jaime Aguilar, Secretary General ng National Confederation of Transportworkers Union, matagal nang may kinakaharap na suliranin sa Modernization Program sa transportation sector.

Aniya, binigla ang pagpapalit ng makabagong jeepney subalit, kulang naman sa financial management ang mga kinauukulan pagdating sa mga pagbuo ng kooperatiba.

--Ads--

Sa tagal na itong panawagan ng mga tutol sa modernisasyon subalit, hindi aniya ito pinakikinggan.

Hindi aniya dapat isisi ni Office for Transport Cooperatives (OTC) Chief Teofilo Guadiz III sa ibang bagay ang pagkukulang na ito sapagkat, matagal itong naupong kalihim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Aniya, maraming salik ang hindi patuloy na paghulog ng mga kooperatiba sa modernisasyon, kabilang ang tumataas na kompetisyon at petrolyo.

Hindi rin naman tugma sa gustong ‘outcome’ ng gobyerno sa ibinigay na budget para sa pagpapatupad ng naturang programa.

Sa mababang budget ay hindi na nasusuportahan ang kaugnay na programa tulad ng fuel subsidy.

Mungkahi naman ni Aguilar na ipatawag ang mga namamahala ng isang kooperatiba kung nakitaan ng anumalya ito.

Samantala, hahabulin aniya nila sa senado ang pagbaba ng treshold sa budget ng transport sector.

At sa lumalalang kurapsyon sa bansa, dapat mapatunayan ng Department of Transportation (DOTr) ay magagabayan ang pagbudget sa transitioning ng sektor.