Ganito inilarawan ng isa sa 12 finalist ng Bombo Music Festival ang kaniyang nararamdaman matapos itong mapabilang sa naturang song writing competition.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Francis Lazatin ng Baguio City , 25 yrs old na siyang sumulat ng “Kung Gusto mo Ako” na hindi pa rin nito maipaliwanag hanggang sa ngayon ang kaniyang nararamdaman matapos mapabilang sa prestihiyosong kompetisyon na nilahukan ng daan daang mga composers.

Ang kasintahan naman niyang si Danica Percival ng Lingayen Pangasinan ang interpreter ng kaniyang isinulat na kanta.

--Ads--

Sa ngayon aniya ay hoping for the best siya sa nalalapit na kompetisyon lalot alam nitong magagaling ang iba pang finalist sa Bombo Music festival.